^

PM Sports

Fighting Maroons sumalo sa liderato

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas ang bangis ng University of the Phi­lippines sa fourth quarter upang kalusin ang A­damson University, 69-67 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Sinadalan ng Fighting Maroons sina Veejay Pre at Rey Remogat sa bandang dulo ng labanan upang siluhin ang pangalawang sunod na panalo at ipinta ang 4-2 karta.

Dahil sa panalo, sinaluhan ng UP sa tuktok ng liderato ang National University at Far Eastern University habang sumiksik ang Adamson sa No. 4 spot kasama ang defending champion La Salle, Ateneo at University of Sto. Tomas na nanalo sa Morayta based squad, 81-69 sa unang laro.

Tumikada si Remogat ng 14 points, anim na assists kasama ang 3-of-6 sa three-point range habang double-double na 12 mar­kers at 10 rebounds ang inambag ni Pre para sa UP.

Mula sa 45-55 pagkabaon, biglang uminit ang opensa ng Fighting Marrons sa payoff period, nagsanib puwersa sina Pre at Remogat upang maagaw ang lamang, 62-60 may 3:32 minuto pa sa orasan na hindi na nila binitawan.

 

FIGHTING MAROONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with