^

Pang Movies

Hunk actor, parang babae kung tumalak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Parang babae palang tumalak ang isang hunk aktor lalo na kapag nagkakamali ang kanyang kasambahay!

Basta kahit mali ang hunk actor, makatalak lang siya, hindi niya binibigyang katwiran ang kasambahay!

Take note na kung minsan, natatalakan niya ang riders na natatawagan niyang mag-deliver ng pagkain.

Eh sa condo na tinitirhan, twin tower ito. Kaya kailangang ilagay sa address kung tower 1 or tower 2 dadalhin ang delivery.

Nagpa-deliver ng food si hunkie. Eh hindi niya nasabi kung anong tower ang address niya. So hirap malaman ng rider ang tamang location.

Sa inip, tinawagan ni hunkie si rider upang talakan kung bakit ang tagal niya. Nang sabihin ng rider na nasa area na siya, saka lang sinabi ng hunkie ang tamang tower ng condo niya!

Pero ni sorry eh walang narinig kay hunk actor na galit sa pagkakamali niya, huh!

Bayad sa SINE sa MMFF 2026, hindi tataas sa P300

COMPLETE na ang final eight official entries para sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Naganap ang announcement last Monday sa The Atrium ng Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City na isa sa cities na sponsored ang MMFF katuwang ang San Juan City.

Sa last four, ang pinalakpakan nang todo ng taong present sa venue ay ang A Perfect Marriage ng Quantum Films na bida sina Kim Chiu at Paulo Avelino mula sa direksyon ni Dan Villegas.

Dalawa namang entries na may religious undertone ang kalahok – Seeds of Peace na isang docu-film tungkol kay Father Gallardo na gawa ni Rommel Galapia Ruiz starring Zaijian Jaranilla at Los Salvajes Bravos nina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid mula sa gumawa ng GomBurZa.

Ang isa pang official entry ay ang Little Hope nina Pepe Herrera at Yassi Pressman.

Sa unang pagkakataon, may Parada ng Bituin sa Bacolod City sa Dec. 12. Bukod ‘yan sa Parada Ng Bituin sa lugar ng Mandaluyong at San Juan City.

Magkakaroon din ng Pickleball competition sa Nov. 29, short film competition at ang Gabi ng Parangal sa Dec. 27!

At pinakabongga sa 52nd MMFF ay hindi lalampas sa P300 ang bayad sa sinehan!

Tangkilikin ang pelikulang Pilipino simula sa Dec. 25!

Basta, binabati namin si MMDA Chairman Atty. Don Artes!

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with