Sorry ng podcasters, kaplastikan lang daw; Dingdong at Anne B., may paalala

Ayan na ang backlash sa podcast na Machong Chismisan sa pambu-bully nila kay Joshua Aquino. Naglabas ng statement ang The Pod Network terminating their contract.
“We have formally terminated our contract with the Machong Chismisan podcast, and are consequently removing the show from the network, effective immediately.”
Tapos, galit na galit pa rin ang netizens sa limang hosts ng Machong Chismisan, naniniwala ang netizens na hindi galing sa puso ang apology nila. Hindi raw binanggit si Joshua at si Kris Aquino sa kanilang statement at in general ang kanilang paghingi ng sorry.
Samantala, maiksi lang ang message ni Anne Binay patungkol sa controversial na pahayag ng Machong Chismisan kay Joshua Aquino. Pero, ramdam ang galit lalo na at very close si Josh kay Anne at sa mga Binay.
Nabanggit nga ni Kris na kapag nasa Manila si Josh, madalas kina Anne ito nag-i-stay.
Tanong ni Anne, “Bakit kailangan manlait? Nakakalungkot at Nakakagalit!
“Josh deserves RESPECT, KINDNESS, LOVE and AFFECTION. #RA9442 #RA7277.”
Sa mga comment, pinapayuhan nila si Kris na magdemanda, to teach them a lesson. Nakaka-touch naman ang kuwento ng mga taga-Makati na nakakasabay ni Josh mag-jogging, lagi raw itong nauunang mag-good morning sa kanya.
Samantala, nakarating na sa Kongreso ang palpak na ginawa ng hosts ng Machong Chismisan at kabilang sa nagkondena sa mga host ay si Rep. Leila de Lima. Naglabas ng statement si De Lima tungkol dito. “Hindi joke ang pagkakaroon ng kapansanan. At lalong hindi katawa-tawa ang hirap, sakripisyo at mga hamon na pinagdadaanan ng pamilya ng mga may kapansanan.”
Samantala, may paalala si Dingdong Dantes sa mga may vlog, podcast at iba pang platform online, na maghinay-hinay sa kanilang inilalabas na content para hindi mapahamak.
Sabi ni Dingdong, “Ang mikropono at entablado ay may kaakibat na pananagutan. Hindi aliw ang panghahamak. Tungkulin nating itaas ang pamantayan, hindi lang ang volume.”
Nag-agree kay Dingdong ang mga nakabasa sa post niyang ito sa Facebook. Great message raw ang pinost ng aktor, lalo na at naging controversial nga ang content ng isang episode ng Machong Chismisan na ginawang content si Joshua Aquino.
And speaking of Dingdong, nagsimula na ang grand promo nila ni Marian Rivera for their movie, Remember, na opening sa Nov. 11, 2026. Overwhelmed ang mag-asawa sa rami ng tao na sumugod sa SM City Fairview at Vista Mall sa Bataan.
Nagsimula na rin ang Season 2 ng The Master Cutter at tama ang nabanggit ni Dingdong na mas maaksyon ang Season 2. May mga bagong karakter din na aabangan ng viewers. Ang Season 2 ng series ang isa sa mga rason kung bakit nagpahinga muna si Dingdong sa pagho-host ng Family Feud.
- Latest





















