Baste, pinapatakbo bilang pangulo sa 2028 - VP Sara

MANILA, Philippines — “Hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang posibilidad na tumakbo ito bilang pangulo sa 2028 national elections”.
Ito ang inihayag ni Vice President Sara Duterte sa isang pulong balitaan na isinagawa sa Davao City.
Ayon kay VP Sara, wala pa silang seryosong pag-uusap ni Mayor Baste tungkol sa kanyang posibleng pagtakbo sa pagkapangulo, sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa kanyang political plans para sa 2028.
Gayunman, ibinahagi ng Bise Presidente na sinabi umano ng kanilang ina na umuwi na lamang siya sa Davao at si Baste na ang patakbuhin sa national election.
“Sinabi ng nanay ko na pinapauwi na niya ako sa Davao at si Baste na lang ang patakbuhin sa national election,” saad ni VP Sara.
Matatandaan na sa isang punong balitaan din noong Pebrero 18, 2026, inanunsyo rin Vice President Sara Duterte ang kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028.
- Latest




















