Datos ng mga biyahero mananatili sa Pilipinas - CAISS
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Securiport na mananatili sa loob ng Pilipinas ang lahat ng datos ng mga biyahero sa ilalim ng panukalang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project. Ayon kay Securiport Chief Technology Officer Nate Carpenter, nakaangkla ang P10.74-bilyong proyekto sa mahigpit na data-sovereignty safeguards kung saan sa mga lokal na data center lamang ng pamahalaan itatago at gagamitin ang impormasyon para sa mga legal na layunin ng gobyerno.
Sa panayam sa 21st International Civil Aviation Organization (ICAO) Traveler Identification Program Symposium sa Montreal, Canada sinabi ni Carpenter na hindi makokompromiso ang data localization sa national security at garantisadong hindi ipapadala ang nakolektang datos sa mga dayuhang hurisdiksyon o pribadong grupo.
Layunin ng unsolicited Public-Private Partnership (PPP) project na ito na pag-isahin ang Passenger Name Record (PNR) at Advance Passenger Information (API) Kabilang din sa mga tampok na teknolohiya ng CAISS ang automated border control na may contactless face pass, biometric kiosks, criminal record search engines, at deception detection tools.
- Latest
















