^

Pang Movies

Joel, lumebel sa asian stars!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Joel, lumebel sa asian stars!
Joel at Lee

Kalma lang ang veteran actor na si Joel Torre pero tuloy ang maganda niyang career haggang sa ibang bansa.

Ang latest project niya ay ang Kidnap Game with Lee Joon-gi (Korean actor) at iba pang Asian stars na nagkaroon ng premiere night sa Japan.

Mag-uumpisang mapanood ang Kidnap Game sa Oct. 6 on Viu.

Sa isa ngang post ay kasama niya sina Kentaro Sakaguchi (Japanese actor) and Lee Joon-gi na main leads ng Kidnap Game.

Aniya pa sa isang post: “An Asian Co-Production by Fuji Television Network(Japan), Sim Story(South Korea) and MakerVille(Hongkong) Shot in Tokyo, Seoul, Manila, Hongkong, Taiwan, Bangkok and Singapore. Coming Soon!!!”

Kaya naman pahinga muna siya sa pagpo-post ng chicken inasal.

Kahapon din ay nag-post siya habang nasa harap ng malaking billboard sa Tokyo, Japan ng Kidnap Game, na photo niya ang nakalagay.

 Bukod sa natural and veteran actor, hindi tumitigil si Joel sa kanyang pagtulong.

Tuloy ang kanyang JT’s Meals For The Kids in partnership with the UN World Food Programme!

 Ang daming natutulungan ng nasabing programa niya sa sikat na JT’s Manukan restaurant.

Lagi ngang post niya “Sa JT’s, Busog Ka Na

“Nakakatulong Ka Pa!

“JT’s Meals For The Kids

“In Partnership with the

“UN World Food Programme!

“Let’s Please Help Our Schoolchildren!!!” 

Kaya naman hindi talaga siya nawawalan ng trabaho.

Heart, chika-chika sa mga bigating fashion influencer sa mundo

Ang bongga ni Heart Evangelista kung saan ang latest post niya ay ang pagdalo sa Business of Fashion (BoF) na isang nangungunang kumpanya ng digital media at intelligence na sumasaklaw sa mga international fashion industry, beauty at luxury.

Si Heart ang top influencer sa mga celebrity na dumalo sa katatapos lamang na New York Fashion Week (NYFW).

At malaki ang kalamangan ng Filipino fashion personality in terms of Media Impact Value (MIV) dahil ang pagrampa niya during the September 2026 NYFW Spring/Summer 2027 ay naka-generate ng halagang $7.6 million.

Ayon nga sa ulat ng ­fashion analy­tics firm na Launchmetrics, si Heart ang Top Celebrity Voice sa NYFW at siya ay malayong nasundan nina Paris Hilton na may $2.5 million MIV; Jung Hae-In na may $2.3 million MIV; Lingling Kwong na may $1.9 million MIV; at Love Pattranite na may $1 million MIV.

Well, isang malaking accomplishment ito para sa mga Filipino at Filipino fashion influencer ang nakamit na ito ni Heart dahil karaniwang malakas ang impluwensya ng mga Amerikanong celebrity sa NYFW.

Well, iniba ng Filipino fashion influencer-artist-entrepreneur-TV host ang sitwasyon sa NYFW ngayong season.

Dahil rin sa achievement na ito ni Heart, malaki ang kanyang naiambag sa Asia-Pacific fashion influence landscape na lumikha ng $19.2 million (42 percent) MIV sa episode na ito ng NYFW events na ginanap sa mga sikat na lugar ng The Big Apple, tulad ng Empire State Building at Central Park.

Mula sa New York City ay lumipad naman siya sa France para sa panibagong fashion week season sa Paris at ang latest nga niya ay ang BOF.

Nauna nang dumalo ang global style influencer sa Milan Fashion Week sa Italy, kung saan nirampa niya ang latest fashion collections mula sa 14 na major luxury brands tulad ng Prada, Diesel, Jil Sander, Fendi, Missoni, MM6 Maison Margiela, Onitsuka Tiger, Max Mara, Anteprima, Albert Fereti, Roberto Cavalli, Sportmax, Ferragamo at Dolce & Gabbana.

JOEL TORRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with