Kendra, damay na!

May nabasa kaming damay-damay na ang nangyayari sa isyu na nagsimula sa interview ni Ogie Diaz kay Patrick Garcia at totoo ito dahil kahit ang hindi direktang involved sa isyu, nadadamay.
Gaya na lang ng husband ni Chesca Garcia-Kramer na si Doug Kramer na inakusahan ng isang netizen na ang nagti-take advantage sa personal life at career ng mga anak. Dahil dito, napa-post tuloy si Kendra Kramer para ipagtanggol ang mga magulang noong Aug. 16.
Bahagi ng post ni Kendra: “I have my own social life – with my sports and with my friends. They are NOT controlling parents, only caring ones who want the best for me and my siblings. They put me in regular school, they let me go out and enjoy with my friends, and most of all, my dad and my mom guide me with my sports.
“Please do not come out and say my parents are controlling my life, they care about me and I stand by that.”
Fan na ‘nambato’ kay Alex, humingi ng tawad!
Nag-sorry kay Alex Eala ang fan na sa kagustuhang mapirmahan ni Alex ang cap, ibinato ito, at pinagsabihan ang fan.
Na-bash ang fan at na-bash din si Alex at inakusahan pang lumalaki na ang ulo at basta na lang nagalit.
May nag-comment pa nga na nagalit si Alex dahil naapakan ang mga kalat sa sahig, mabuti na lang at marami ang nakapanood ng reels at ipinagtanggol ito. Pinirmahan din nito ang cap saka isinoli sa fan.
Post ng fan: “I sincerely apologize for throwing my cap while Alex Eala was saying that she needed to go. As a fan, that was my last chance to ask for a signature, and in that moment, I acted without thinking.
“I want to make it clear that I never intended to offend, disrespect or make Alex or anyone else uncomfortable. I understand that I should have respected her space and her decision to leave.
“I am truly sorry for what I did. I admire Alex as an athlete, I take responsibility for my actions and will learn from this experience.”
Samantala, siguradong big factor si Alex kung bakit sa WTA Tour 2027 Asian Swing, kasama na ang Manila. Two tournaments ang iho-host ng Manila at naka-schedule ang WTA 250 tournament sa Nov. 1, 2027. Mauuna ang WTA 125 Philippine Women’s Open sa January 2027.
Mavy, may pasaring
Sabi ng fans, reaction daw ni Mavy Legaspi sa balitang out na siya bilang isa sa mga host ng Pinoy Big Brother (PBB) ang post na “I could care less.” Kinontra naman ito ng ibang fans dahil kung para sa hosting sa PBB ang kanyang post, dapat daw ang nakasulat ay “I couldn’t care less.” May nag-react naman na tama ang post ni Mavy na “I could care less.”
Anyway, this Monday na ang announcement kung talagang out na si Mavy bilang host sa PBB. Makukumpirma rin kung totoong si Michael Sager ang ipapalit sa kanya.
Nag-react lang ang fans dahil nali-link si Michael sa twin ni Mavy na si Cassy Legaspi, tapos ngayon, si Michael ang papalit kay Mavy sa PBB.
- Latest
























