MANILA, Philippines — Simula sa Lunes P14 na ang pasahe sa mga pampasaherong jeep simula sa Setyembre 28.
Ito’y matapos na aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang fare hike na una nang sinuspinde noong Marso.
Ayon kay acting LTFRB Chairman Greg Pua, P1 ang idadagdag sa minimum fare ng traditional jeepney, habang P2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Dahil dito, magiging P14 mula sa dating P13 ang minimum fare sa unang apat na kilometro ng traditional jeepney, habang P2 mula sa P1.80 ang bayad sa bawat succeeding kilometer.
Para naman sa modern jeepney, magiging P17 mula sa P15 ang minimum fare sa unang apat na kilometro, habang P2.40 mula sa P2.20 ang bayad sa bawat susunod na kilometro.
Inaprubahan din ng DOTr ang provisional fare hikes sa mga UV Express at taxi.