^

Metro

DILG tukoy ang Pinoy recruiter sa Dark Web

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tukoy na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang Pilipinong umano’y recruiter sa Dark Web na nang-eengganyo sa mga kabataan na gumawa ng karahasan, kabilang ang pamamaril sa mga paaralan.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, minamanmanan na ng mga awtoridad ang naturang recruiter matapos matukoy ang lokasyon nito. Ginagamit umano nito ang social media, direct messages, at mga chat group sa online games upang makalapit sa mga kabataan.

Sinabi ni Remulla na sa pamamagitan ng online conversations ay nahikayat umano ang isang estudyante na gumawa ng karahasan matapos samantalahin ang kaniyang insecurities. Iniugnay rin ng kalihim ang insidente sa exposure umano ng estudyante sa deep at dark web.

Dahil dito, mahigpit na minamanmanan ng pamahalaan ang mga online threat na maaa­ring may kaugnayan sa school shootings. Nauna nang hinimok ni Remulla ang mga magulang na bantayang mabuti ang online activities ng kanilang mga anak.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with