^

Metro

Naka-hit-and-run sa aso, kinastigo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Naka-hit-and-run sa aso, kinastigo
Stock image of LTO driver’s license.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng driver na naka-hit-and-run sa isang aso na nasa viral video.

Batay sa Facebook post na nakarating sa LTO, nasagasaan ng naturang SUV ang aso, pero sa halip na huminto upang tingnan ang kalagayan nito, nagpatuloy pa umano sa pagmamaneho ang driver at tinakasan ito.

Nagpalabas si LTO Chief Markus Lacanilao ng show cause order sa driver at may-ari ng SUV na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Set­yembre 23 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumentong maaaring maglahad ng kanilang panig kaugnay ng alegasyong Reckless Driving.

Inatasan ang driver na agad isuko ang kanyang driver’s license sa IID. Isinaillalim na rin sa alarm status ang naturang SUV habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with