Babae sa ref kilala na, away sa pera sinisilip - PNP

MANILA, Philippines — Kilala na ang babaeng natagapuang patay at isinilid sa refrigerator sa isang apartment sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.
Ayon kay Philippine National Police spokesperson PCol. Allen Rae Co, positibong kinilala ang biktima ng kanyang ama na personal na nagtungo sa pulisya dala ang ID nito.
Posible umanong pera ang motibo sa krimen base na rin sa kuwento ng kaanak dahil may dala itong malaking halaga.
Sa paunang forensic findings, may marka sa leeg ang biktima at pinaniniwalaang sinakal gamit ang tali. Wala namang nakitang saksak sa katawan.
Kasabay nito, itinakda na rin ang pagsasa- ilalim sa DNA test sa labi ng biktima matapos
lumutang ang umano’y ama ng biktima sa Valencia Memorial Homes.
Huling nakita ang babae na kasama ang isang lalaki na sinasabing kan- yang live-in partner. Itinuturing na person of interest ang live-in partner na patuoy na hinahanap ng mga awtoridad. Hindi pa pinal na natutukoy ang motibo.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa inupahang apartment ng biktima.
Ayon naman kay Police Lt. Col Arwyn Gaffud, naging misteryoso pa ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa iba’t ibang identification na nakuha, kabilang ang ipinakita sa may-ari ng apartment na sa beripikasyon sa mga ahensiya ng gobyerno ay hindi tumutugma.
- Latest




















