^

Metro

ILIs, dengue, at leptospirosis sa Maynila; tumaas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ILIs, dengue, at leptospirosis sa Maynila; tumaas
Batay sa Daily W.I.L.D. Disease Update ng Manila Health Department (MHD) na ibinahagi ni Domagoso sa kanyang social media account, nitong Martes, Setyembre 15 lamang ay nakapagtala ang lungsod ng 90 bagong kaso ng ILIs.
AFP / Luis Robayo

MANILA, Philippines — Iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng influenza-like illnesses (ILIs), dengue at leptospirosis sa lungsod ng Maynila.

Batay sa Daily W.I.L.D. Disease Update ng Manila Health Department (MHD) na ibinahagi ni Domagoso sa kanyang social media account, nitong Martes, Setyembre 15 lamang ay nakapagtala ang lungsod ng 90 bagong kaso ng ILIs.

Dahil dito, umakyat na sa 1,635 ang total ILI cases sa lungsod ngayong taon o mula Enero 1 hanggang Set­yembre 15, 2026.

Nakapagtala rin ang MHD ng 74 bagong kaso ng dengue na mayroon na ngayong 3,001 total cases habang nasa 33 naman ang bagong leptospirosis cases na naitala ng lungsod na mayroon na ngayong 1,320 total cases.

Samantala, mayroon ding nairekord na isang kaso ng severe acute respiratory infection (SARI) na may 389 total cases na habang wala namang naitalang mga bagong kaso ng mga sakit na COVID-19 na mayroon pa ring 93 total cases ngayong taon, typhoid fever na may 74 total cases na at cholera na may apat pa ring kabuuang kaso.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with