^

Bansa

VP Duterte may negosyo, walang idineklarang puhunan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Duterte may negosyo, walang idineklarang puhunan
Humarap si Atty. Karen Batu, officer-in-charge ng Records Division ng Office of the Ombudsman, sa ika-25 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte bilang saksi ng prosekusyon para sa Article II na tumutukoy sa umano’y unexplained wealth at SALN ng Bise Presidente.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng mga negosyo si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ngunit walang idineklarang shares of stocks o kapital, ayon sa Ombudsman Records Division.

Ito ang ibinunyag ni Atty. Karen Batu, officer-in-charge ng Central Records Division, sa pagdinig ng impeachment trial kaugnay ng Article II (unexplained wealth). Sinuri ng prosekusyon ang SALN ni Duterte mula 2007 hanggang 2025.

Nagsimula si Duterte sa gobyerno bilang Vice Mayor ng Davao City noong 2007. Kabilang sa mga negos­yong nakalista sa kanyang SALN ang Davao Emerging Taipan Corp., Davao Bounty Times Food Corp., at City Hall King Chow Foods Corp., kung saan siya ay tinukoy bilang stockholder.

Ngunit nang tanungin ng prosekus­yon kung magkano ang acquisition costs, sinabi ni Batu na wala itong idineklarang puhunan sa 2007 SALN.

“Meron pong negosyo, pero walang deklaradong puhunan,” giit ng prosekusyon, na kinumpirma ni Batu.

Ayon kay Batu, nag-report si Duterte ng stock at equity noong 2008, ngunit wala ring nakasaad na stocks sa 2009 SALN. Mula 2010 hanggang 2012, nagdeklara siya ng iba’t ibang negosyo ngunit walang nakalagay na kapital. Sa pagitan ng 2024 at 2025, bagaman maraming negosyo ang nakalista, wala pa ring idineklarang shares of stocks o puhunan si Duterte.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with