Chinese forces, nagpakawala ng flares laban sa PCG plane
MANILA, Philippines — Nagpakawala ang Chinese forces ng mga flares laban sa isang hindi armadong PCG aircraft sa West Philippine Sea (WPS) noong Lunes.
Ito ang iniulat kahapon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Rear Admiral Jay Tarriela, na nagsasagawa umano ng isang routine maritime domain awareness (MDA) flight ang Philippine aircraft sa Kalayaan Island Group (KIG) nang magpaputok ng flares sa isang lumilipad na aircraft na naglalagay sa panganib sa flight safety.
Hindi umano naaayon sa duty of due regard na obligasyon ng China sa ilalim ng Convention on International Civil Aviation.
Ani Tarriela, pinadalhan din ng radio challenge ang Chinese forces na ilegal aniyang umookupa sa Zamora Reef ang Philippine aircraft bago ito tuluyang nag-landing sa Pag-asa Island.
Aniya pa,mayroon ding Chinese maritime militia vessels na namataan sa loob ng lagoons ng mga naturang reef.
Tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang MDA flights nito sa West Philippine Sea at patuloy na idodokumento at ilalantad ang umano’y mga paglabag ng China sa international law.
- Latest




















