Vietnamese team dapa sa Nxled
MANILA, Philippines — Pinatibay ng Nxled ang pag-asa sa finals berth matapos ang 25-20, 31-33, 25-17, 25-22 pag-eskapo sa guest team Ho Chi Minh City ng Vietnam sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Bumira sina Jonah Sabete-Escamillan at Myla Pablo ng tig-18 points para sa 2-2 record ng Chameleons, habang may 17, 16 at 12 markers sina Fil-Am MJ Phillips, EJ Carino at Jackie Acuña, ayon sa pagkakasunod.
“Sabi lang din namin sa mga teammates namin kailangan tiyagain talaga kung ano iyong mangyayari sa amin this game. Kumapit lang kami sa bawat isa,” ani Sabete-Escamillan.
Nagposte si setter Gel Cayuna ng 35 excellent sets para sa tropa ni Italian coach Ettore Guidetti.
Laglag ang mga Vietnamese sa 1-3 kartada at bigong masundan ang naunang 28-26, 19-25, 25-21, 25-16 panalo sa PLDT High Speed Hitters.
Matapos makatabla ang Ho Chi Minh sa second set, 33-31, ay inangkin ng Nxled ang third set, 25-17, bago ilista ang 18-9 abante sa fourth set.
Sa unang laro, tumipa si Fil-Canadian Savi Davison ng triple-double na 32 points, 10 excellent digs at 14 receptions para gabayan ang nagdedepensang PLDT sa 25-16-, 25-22, 23-25, 25-20 panalo sa Farm Fresh at buhayin ang tsansa sa finals ticket.
Nagdagdag ng 15 markers si Kim Kianna Dy sa pagbangon ng High Speed Hitters mula sa dalawang sunod na talo para itaas ang karta sa 2-2.
- Latest



















