Lalaking namaril ng binatilyo sa Maynila, arestado na!
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na naaresto na ng Manila Police District (MPD) ang lalaking bumaril at nakapatay sa isang binatilyo sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Domagoso, lumilitaw na nainis ang suspek na si Ramiro Pedralvez Jr. y De Vera, alyas “Emer” sa mga nagra-riot na kabataan kaya nagawa niya ang krimen.
“Lagi ko pong sinasabi: kapag sa Maynila mo ginawa ang krimen, pananagutin ka sa batas. Sisikapin nating maibigay ang hustisya sa mga biktima at sa kanilang mga pamilya,” ayon pa sa alkalde.
Nagpaabot din naman ang alkalde ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Pinuri din nito ang MPD dahil sa agarang pagkaaresto sa suspek.
- Latest
























