Himala: Babaing may cancer gumaling! (Part 2)
KAPISTAHAN ni St. Charbel ng araw na magdasal sina Stephanie Serrano at pamilya sa St Mary Magdalene Catholic Church sa Arizona, USA.Hiniling nila kay St. Charbel ang paggaling ni Stephanie sa breast cancer at dalawa pang sakit. Hindi alam ni Stephanie at pamilya nito na Hulyo 24 ang feast day ni St. Charbel. Pagkatapos magnobena, dumalo sila sa misa.
Pagkatapos ng misa, binendisyunan ng pari si Stephanie para sa agarang paggaling nito sa cancer.
Makalipas ang ilang araw, isang kaibigan ni Stephanie ang dumalaw at binigyan siya ng blessed oil, robe at DVD mula sa St. Maroun’s Monastery sa Annaya, Mount Lebanon. Makatutulong umano ang mga ito sa paggaling ni Stephanie. Ang St. Maroun’s Monastery ang lugar kung saan namalagi si St. Charbel. Doon siya nagdarasal at nagninilay-nilay sa mahabang panahon.
Binigyan din si Stephanie ng kaibigan nito ng kapirasong tela na pag-aari ni Nohad El Shami, ang taong pinagaling ni St. Charbel. Pinagaling ni St. Charbel si Nohad El Shami sa mismong feast day nito. Ang tela ay pinamahahagi sa prussisyon na ginanap sa monasteryo sa Annaya.
Inilagay ni Stephanie ang tela sa tapat ng kanyang dibdib at nagdasal kay St. Charbel. (Itutuloy)
- Latest















