^

Metro

CFC nagbanta sa ilegal na logo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang isang international Catholic lay ecclesial movement nitong Sabado hinggil sa ilang hindi awtorisadong grupo na gumagamit ng kanilang pangalan at logo.

Binanggit ni Couples for Christ Executive Director Jaime Ilagan na ang hindi awtorisadong paggamit ng logo at ­pangalan ng CFC ay nakaliligaw sa mga miyembro ng CFC at sa publiko, na pinaniniwalaang kaakibat ng Couples for Christ ang mga indibidwal at orga­nisasyong namamahala sa grupo at ang mga nilalaman na nailalathala rito ay nasa ilalim ng awtoridad o opisyal na kontrol ng Couples for Christ, gayong hindi naman.

Iginiit ng CFC na Abril 3, 2008 nang pinagtibay ng Pontifical Council for the Laity, na ngayon ay kilala bilang Dicastery for Laity, Family and Life, na ang ‘Couples for Christ’ ang opisyal na aprubadong pangalan. Malinaw ring sinabi ng Pontifical Council for the Laity na ang pangalang ‘Couples for Christ’ ay hindi maaaring gamitin ng anumang ibang asosasyon na paliwanag ni Ilagan.

Sinabi ni Ilagan na nakalaan sa organisasyon ang karapatang magsagawa ng kaukulang legal na aksyon laban sa sinumang indibidwal o orga­nisasyon na patuloy na gumagamit o lumalabag sa pangalan at logo ng CFC.

Hinikayat nila ang lahat ng miyembro ng CFC, mga katuwang, at publiko na maging mapagmatyag sa pagsali o pag-follow sa anumang grupo, page, o platform na nagpapakilalang ‘Couples for Christ’ o ‘CFC.

CATHOLIC

LOGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with