^

Dr. Love

‘Di tanggap ang passion

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin nyo na lang akong “Art ng Maynila.” Sumulat ako dahil mabigat ang loob ko sa girlfriend ko.

Bata pa lang ako, sining na ang buhay ko. Hindi lang ito simpleng libangan; bahagi ito ng pagkatao ko at ng mga pangarap ko.

Ang masakit, ang taong inaasahan kong susuporta sa akin ay siya pang walang pakialam sa gawa ko.

Pinararamdam pa niya minsan na aksaya lang ito sa oras at walang mararating.

Malaking-malaki ang pagkadismaya ko. Hindi ko hiling na maging artist din siya—respeto at kaunting pag-unawa lang sa passion ko ang hihingin ko.

Nagdududa na ako kung tanggap niya ba talaga ako kung sino ako.

Mahal ko ang girlfriend ko, pero mahal ko rin ang sining ko. Paano ko ipapaunawa sa kanya ang halaga nito nang hindi nasisira ang relasyon namin?

At paano kung ayaw niya talagang magbago?

Art ng Maynila

 

Dear Art ng Maynila,

Ang sining ay salamin ng iyong kaluluwa. Natural lang na madismaya ka kung ang taong mahal mo ay hindi pinahahalagahan ang bagay na nagbibigay buhay sa ‘yo.

Bago ka gumawa ng radikal na desisyon, subukan mo muna na magkaroon kayo ng tapat na usapan.

Baka nag-aalala lang siya sa hinaharap ninyo o pakiramdam niya ay naaagawan siya ng oras. Ipaliwanag mo nang mahinahon na kapag pinararamdam niyang walang kwenta ang sining mo, pakiramdam mo ay tinatanggihan ka rin niya.

Tiyakin mo lang na maging ba-lance. Siguraduhin na kapag kasama mo siya, buo ang a-
tensyon mo.

Kapag nakita niyang marunong kang magpahalaga sa oras ninyo, mababawasan ang anumang tampo o selos niya sa gawa mo.

Ibahagi mo ang mundo mo sa kanya. Ayain mo siya sa mga eksibit o gawan mo siya ng obra. Baka kailangan niya lang maramdaman na kabilang siya sa mundong iyon para maunawaan ito.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi humihiling na maging magkatulad kayo ng interes, kundi nagbibigay ng respeto at suporta para lumago ang bawat isa.

Kung nagawa mo na ang lahat pero patuloy pa rin niyang minamaliit ang passion mo at pinapapili ka, tanungin mo na ang sarili mo, “Kaya mo bang makasama ang taong hindi ka-yang tanggapin ang tunay na ikaw?”

Huwag mong patayin ang ilaw ng sining mo para lang makibagay sa iba.

DR. LOVE

DEAR DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with