^

Probinsiya

Suspek sa ‘rent-tangay’ modus, nadakma

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines — Nalambat ng mga operatiba ng Municipal Police Station sa Pagbilao, Quezon ang isang lalaki na umano’y sangkot sa “rent-tangay” modus matapos ma-trace sa GPS ang inuupahang sasakyan na hindi na ibinalik sa may-ari, kama­kalawa.

Base sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si alyas “Jayson,” 31, residente ng Zambales.

Ayon sa imbestigasyon, inupahan ng suspek ang Toyota Vios ng biktimang si alyas “Jonel,” noong July 31,2026 sa loob lamang ng isang araw ngunit hindi na ito naibalik.

Hindi na rin ito makontak kaya agad na iniulat ang insidente sa Olongapo City Police Office.

Sa tulong ng GPS tracker ng sasakyan, natunton ito ng mga tauhan ng Pagbilao Municipal Police Station sa National Road Barangay Ikirin, Pagbilao Quezon at sinubukan pang tumakas ng suspek matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa isang konkretong poste.

Ayon kay PMaj Arjon Oxina, hepe ng Pabilao police, iniwan ng suspek ang sasakyan at tumakbo ngunit agad din siyang naaresto ng mga rumespondeng pulis at dinala sa himpilan para sa dokumentasyon at imbestigasyon.

GPS

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with