^

Probinsiya

Lalaking may tattoo pinatay, isinako

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang bangkay ng lalaki na nakagapos ang mga kamay at binti at tadtad ng tattoo ang nadiskubreng nakasilid sa sako sa Marilaque Highway, Baras, Rizal, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Baras Municipal Police Station, dakong alas-6:40 ng gabi nang namataan ng isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sako na naglalaman ng katawan na hindi na gumagalaw, sa Palo Alto, Marilaque Highway, sakop ng Barangay Baras, Rizal.

Iniulat sa pulisya ni FO1 Mark Dominic Mitra sa Baras Police, ang natagpuang bangkay na nakasuot ng puting T-shirt, gray shorts, na may mga tattoo sa katawan, braso, at binti.

Isinugod pa sa ospital ng Emergency Response Team subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.

Nagsasagawa na ng technical at follow-up investigation ang Rizal Provincial Field Unit para matukoy ang pagkaka­kilanlan ng biktima at matunton ang mga suspek na responsable sa krimen.

MARK

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with