Regine, may docu film sa 2027!

Hindi magtatapos sa Finale concert ni Regine Velasquez ang 40th celebration niya sa entertainment industry dahil may ilalabas pa siyang documentary series called Songbird.
Ang co-producer ng docu ang nag-announce nito na agad ikinatuwa ng kanyang fans ang iMusic Entertainment, in partnership with GOAT Creative Studios.
Ang nasabing documentary umano ay susundan ang journey ni Regine as she prepares for The Finale, while reflecting on the triumphs, sacrifices and legacy of her extraordinary career.
Mapapanood umano ito sa 2027.
May short clip na ipinakita si Regine na nagwa-warm up at nag-vocalization bago kantahin ang Shine na sa ganda ng pagkakanta, may naiyak. Ayaw tuloy maniwala ang fans nito na takot siyang kantahin ang nasabing kanta.
Kasama rin sa clip ang photo ng young Regine, photo with her late dad na si Mang Gerry Velasquez. May photo rin nila ng asawang si Ogie Alcasid at kasama ang younger Nate (anak nila ni Ogie). Kasama rin ang album cover ng past albums niya at poster ng kanyang Finale concert na last major concert na niya.
Wala pang playdate ang Songbird, basta next year ang showing nito at siguradong maghi-hit.
Ticket sa Canadian Open, ubusan agad dahil kay Alex
Ilang araw lang nakapagpahinga si Alex Eala after winning the Women’s Tennis Association (WTA) title dahil sasabak na naman siya sa tennis at mangyayari ito sa Canadian Open main draw at kahapon, Aug. 5, 2026, ang first tournament schedule niya na dinumog ulit ng mga Filipino.
Nabasa namin ang announcement na sa center court maglalaro si Alex. “Our grandstand court is 2,800 seats. We can’t put Alex Eala on there because she probably sold upwards of 5,000 tickets.”
May pahabol pang balita na sold-out na ang ticket before the schedule game at balak daw magdagdag ng standing only tickets. May nagsabi na she is generating funds for the tennis association at may mga nag-comment na nanood lang sila dahil kay Alex.
Magagalit na naman nito ang bashers ng Pinay tennis superstar at fans ng ibang tennis player na galit sa Filipino fans supporting Alex dahil maingay raw.
Ang isa pang inaabangan ay ang Doubles Main-Draw Wild Card na sina Venus Williams at Alex ang magka-duo. This Thursday na ito at nagkakaubusan na rin ng tiket.
EP ni Ashtine, may digital release
Digital release ng EP ni Ashtine Olviga bukas, Aug. 7, at 12:OO a.m. in time sa concert niya sa Aug. 22, sa New Frontier Theater.
Billed Love Like Ashtine na title rin ng kanyang concert, the EP has six tracks at hindi pa man naririnig ang songs, alam na ng kanyang fans na kanilang magugustuhan.
The songs are Hinga, This Way, Emo, Nasaan Ka Na at Love Like U na pawang komposisyon ni Thyro Alfaro, at ang Dito Lang Tayo na komposisyon ni Pat Cardoza.
- Latest
























