Babae tiklo sa Maynila dahil sa online concert ticket scam
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Cyber Financial Crime Unit (CFCU) ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) ang isang 27-anyos na babae na nanloloko ng ilang indibidwal sa pagbebenta ng concert tickets online sa isinagawang entrapment operation sa San Lazaro, Maynila kamakailan.
Ayon ay PNP-ACG Director PMGen Wilson Asueta gumagamit ng alyas na “Shai” ang suspek na inireklamo ng biktima na kanyang nabentahan ng concert ticket sa halagang P14,200 ngunit nadiskubreng naibenta na rin ito sa ibang tao. Lima pang biktima ang lumapit sa awtoridad matapos mabatid na iisang ticket na may magkaparehong seat number ang naibenta rin sa kanila.
Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang CFCU na nauwi sa entrapment operation at pagkakaaresto sa suspek. Nahaharap siya sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 10951, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest





















