2 ‘tulak’ timbog sa ketamine at shabu sa Makati
MANILA, Philippines — Dalawang ‘tulak’ ang nasakote ng Makati City Police sa pagbebenta ng ketamine at shabu sa buy-bust operation, sa nabanggit na lungsod kahapon ng madaling araw.
Sa report na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Director PBGen. Glenn Oliver Cinco, kinilala ang mga suspek sa mga alyas “Michael”, 39, ng Pasay City at alyas “Randy”, 38, na naaresto dakong alas-3:25 ng madaling araw sa Brgy. San Isidro, Makati City.
Target ng operasyon Makati Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si alyas “Michael” na nakuhanan ng 6.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P42,160.00, drug paraphernalia, at marked-money, habang nakumpiska sa kasabwat ang P500,000.00 halaga ng ketamine.
Sa intelligence report, sinabi ni Makati Police chief PCol. Pedro Alagano, Jr., na kilala sa tawag na “Kit Kat” ang ketamine na laganap na rin ang gamit ng mga drug addict, sa pamamagitan ng pagsinghot sa pulbos o likido na itinuturok para makaranas umano ng hallucination.
Ang ketamine ay para sa mga hayop tulad ng kabayo, na gamit bilang medical anesthesia ng mga beterinaryo,
- Latest


















