^

Metro

Maynilad P5.8 bilyong pipeline, malapit nang matapos: Panangga sa El Niño!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malapit nang matapos ng West Zone concessionaire na Maynilad ang pangunahing distribution pipelines na may habang 9.12 kilometro. Layunin nitong maghatid ng mas maraming tubig mula sa southern facilities patu­ngo sa mga customer sa Muntinlupa at Las Piñas.

Ang proyekto, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P5.8 bilyon, ay mag-uugnay nang mas malawak sa Poblacion Water Treatment Plant sa distribution network ng Maynilad. Sa ganitong paraan, mas tataas ang kapasidad ng kompanya na maghatid ng tubig sa mga lugar na nanga­ngailangan ng karagdagang supply.

Kapag ganap nang na-integrate, inaasahang mas gaganda ang pressure management, mas magiging maaasahan ang supply, at mas magkakaroon ng flexibility ang Maynilad na maghatid ng tubig sa iba’t ibang lugar depende sa pa­ngangailangan.

Bahagi ito ng paghahanda ng kompanya sa posibleng epekto ng El Niño. Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang kondisyon ng El Niño sa mga susunod na buwan, na magdudulot ng mas mababang ulan, dry spells, at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.

“Ang mga ganitong investment ay bahagi ng patuloy naming pagsisikap na bumuo ng mas matibay na water system para sa West Zone. Habang nagiging mas hamon ang klima, kailangan natin ng imprastrakturang makakapag-maximize ng supply at makakapagbigay ng suporta sa mga customer sa panahon ng kakulangan ng raw water,” pahayag ni Maynilad COO Christopher Jaime T. Lichauco.

WEST ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with