^

Punto Mo

Himala: Niligtas sa rumaragasang baha (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO ako sinagasaan nang malaking baha, isang matandang lalaki ang biglang lumitaw sa pampang ng sapa at iniabot sa akin ang kanyang mahabang tungkod. Eksakstong-eksakto ang haba ng tungkod sa kinaroroonan ko.

Mahigpit akong humawak sa tungkod na hindi ko malaman kung kahoy o bakal. Napa­katigas ng tungkod.

Habang nakahawak ako nang mahigpit sa tungkod ay nakatingin ako sa matanda. Malago ang kanyang balbas. Maamo ang mga mata. Maluwag ang suot na damit na parang sa pari.

Dahan-dahan akong hinatak ng matanda patungo sa pampang. Nang makarating sa pampang, dahan-dahan akong inalalayan ng matanda para makasampa at dinala sa ligtas na lugar sa dakong itaas ng sapa.

Humihingal ako sa tindi ng pagod at sa takot na rin.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari sapagkat nakatulog ako sa sobrang pagod.

Nang magising, nasa bahay na ako at nakahiga at binabantayan ni Inay.

“Salamat at nagising ka na, Josie,” sabi ni Inay na umiiyak. “Muntik ka nang malunod sa sapa!”

“May nagligtas sa akin Inay!”

Manghang-mangha si Inay sa sinabi ko. (Itutuloy)

FLOOD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with