^

Metro

Tambay arestado sa pambabato sa mga sasakyan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Dinakip ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang isang 29-anyos na tambay na naaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis sa pambabato sa mga dumaraang sasakyan sa Osmeña Highway, bahagi ng Makati City, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat kay Makati CPS chief P/Colonel ­Pedro Alagano, Jr., ini­nguso ng mga residente ang suspek na si “Armando,” residente ng Taguig City, sa mga pulis kaya siya nilapitan.

Nang sinasaway na, dakong alas-12:15 ng madaling araw ng Hulyo 25, pumalag at minura pa ng suspek ang mga pulis na mga tauhan ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano, Jr. kaya napilitang lagyan ng posas bago binitbit sa Makati-Police Sub-Station 4.

Nang rikisahin ang dalang backpack, isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala.

Bukod sa kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority at Alarm and Scandal, ipinagharap din ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Makati City Prosecutor’s Office.

CPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with