BIR: Higit P22 bilyong tax evasion vs Sunwest, execs
MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong tax evasion ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa construction firm na Sunwest, Inc. at dalawang mataas na opisyal nito kaugnay ng umanoy P22.71-bilyong deficiency income tax liability.
Ayon sa BIR, kinasuhan ang Presidente ng Sunwest Inc. na si Aderma Angelie Descarga Alcazar at Treasurer na si Cesar Zacarias Buenaventura kaugnay ng umano’y paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng ahensiya.
Sa imbestigasyon ng BIR, napatunayang hindi nagdeklara ng kanilang kita at unsupported purchases at expenses at hindi maayos na creditable withholding tax (CWT) credits sa kanilang income tax returns ng Sunwest mula taong 2019 hanggang 2024 na nagresulta ng kabuuang P22.71-bilyong deficiency income tax liability, kasama na ang surcharges, interest, at compromise penalties. Ang ginawang pagbusisi ng BIR ay nang bigyan ng kapangyarihang suriin ang pagbubuwis ng kompanya.
Noong February 5,2026, na subpoena ng BIR ang books of accounts at supporting documents ng Sunwest pero bago itong mag comply kaya’t napilitan na ang komisyon na kasuhan ang kompanya.
Ang Sunwest Corporation na isang Philippine construction at development company ay itinayo ng puganteng dating Congressman Zaldy Co noong 1992 na sangkot sa multi bilyong pisong tax evasion at graft charges dahil sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
- Latest


















