^

Probinsiya

Tulak tiklo sa ilegal na droga at baril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMO NAKAR, Lucena City, Philippines — Matagumpay na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Pagbilao Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng koordinasyon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nag­resulta sa pagkakaaresto ng isang suspek sa iligal na droga at pagkakasamsam ng pinaghihinalaang shabu at isang iligal na baril sa Sitio Bayles, Brgy. Alupaye, Pagbilao, ­Quezon., ka­makalawa ng gabi.

Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Bruno,” 28 taong gulang at residente ng Brgy. Concepcion, Mauban, Quezon.

Nakumpiska mula sa suspek ang 2 heat-sealed transpa­rent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihina­laang shabu na may kabuuang timbang na 2.45 grams at nagkakahalaga ng P16, 600.00, buy-bust money, isang kalibre .38 Smith & Wesson revolver na walang serial number, at tatlong (3) bala ng kalibre .38.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with