^

Metro

Transport strike, tinapatan ng libreng sakay ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Transport strike, tinapatan ng libreng sakay ng DOTr
Dagsa ang mga commuters na naghihintay ng mga pampasaherong jeep sa Philcoa sa Quezon City kasabay ng 2-araw na tigil pasada ng transport group na Manibela, kahapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tinapatan ng Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng libreng sakay ang unang araw ng 2-araw na transport strike ng grupong Manibela kahapon.

Sa abiso ng DOTr, nabatid na ang free rides na kanilang ipinagkakaloob ay available mula 7-10 ng umaga at mula 5-8 ng gabi.

Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ay Welcome Rotonda-Fairview at pabalik; Recto-Cubao via Nagtahan at pabalik; Quiapo-Cubao via E. Rodriguez at pabalik; Quiapo-Fairview at pabalik; Kalentong-Pasig Palengke at pabalik at PITX-Lawton at pabalik.

Ipinairal umano nila ang inisyatiba, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of Energy (DOE), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Economy, Planning and Development (DepDev), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Nitong Miyerkules, umarangkada ang transport strike ng Manibela, na magtatagal hanggang ngayong Huwebes, upang iprotesta ang pa­tuloy na pagtaas ng pres­yo ng mga produktong petrolyo.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with