LTO: 2 bus na in-impound ‘unregistered’

May larawan ni Chavit
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Land Transportation Office Enforcement Service na ‘unregistered’ ang dalawang bus na may larawan ni dating Ilocos Sur Gov Luis ‘Chavit’ Singson na in-impound nitong Martes.
Ayon kay LTO Enforcement Service Chief Alan Nobreza pinigil ang bus sa may Welcome Rotonda sa Quezon City na papunta sana sa Liwasang Bonifacio sa Maynila dahil sa paggamit ng sasakyan na improvised ang plaka subalit nang tignan ang papel, hindi ito nakarehistro mula pa taong 2018 hanggang sa kasalukuyan.
Aniya, ang sasakyan ay isang Kitchen Bus na may dalang pagkain ng mga nakiisa sa Peoples Indignation Rally sa pangunguna ng United People’s Initiative (UPI) sa Liwasang Bonifacio Maynila noong Hulyo 19.
Kinumpirma naman ng LTO na pagmamay-ari ang dating gobernador ang dalawang bus.
- Latest






















