Vince Dizon kinukuryente na rin?
NAGING mistulang minahan na ng kabulukan ang Senado magmula nang magsimula ang impeachment trial ni VP Sara Duterte. Nagsimula ito sa pagkakakulong nina Bong Revilla, Sen. Jinggoy at Rodante Marcoleta sa kasong plunder na walang piyansang ipinapahintulot. Personalan ba o impluwensya talaga ni Lucifer ang nangyayari?
Hinahalukay naman ngayon ng NBI angP10 Bilyon budget ng 2019 Philippine Southeast Asian Games Organizing Committe na si Sen. Allan Peter Cayetano ang chairman. Naging maanomalya noon ang ginawang cauldron na ginastusan ng P50 Milyon sa New Clark City. Si Hudas ay nasira sa 30 piraso ng pilak noon, ‘di ba?
Malamang na matanong din si DPWH Sec. Vince Dizon na dating namuno sa Bases Conversion Development Authority noong 2016-2021na nagdeposito ng P5.7 Bilyon sa National Treasury. Si Dizon ang humarap sa pagpaplano sa construction ng Southeast Asian Games sa New Clark City na ginawa ng Malaysian contractor na walang ginanap na public bidding.
Sa administrasyon ni Fidel V. Ramos ay naipagbili natin ang malaking bahagi ng Fort Bonifacio na ngayon ay isang marangyang Bonifacio Global City na para gamitin sa AFP Modernization pero hanggang ngayon ay kulelat pa rin tayo sa pananandata.
Naging katatawanan na ang bansa natin ngayon dahil sa kakulangan ng mga maadhikaing mamamayan. May naunang lumutang na grupong animo’y makabayan pero pinagdudahan ng karamihan dahil nabahiran na rin ng katusuhan sa pera ng pulitika kaya nagkawatak watak. ‘Di ba?
Ngayon naman ay binabastos na rin ang mga relihiyon dahil sa pulitika. Hindi naman nakapagtataka dahil kaya nga ipinapatay si Hesukristo sa pag-aakalang nais nitong maging hari ng Israel na noo’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Roma. Nagkamali sila ‘diba?
Puwede nating isipin na ang pulitika ay sinimulan ni Lucifer dahil siya ang unang nangumbinsi sa kapwa niya anghel sa langit na magagawa rin nila ang ginagawa ng Diyos basta magkakaisa sila. Ayun na! Si Lucifer nga ang binhi ng pulitika na pinalago ng mga lahi ni Hudas sa bansang Pilipinas.
- Latest
















