Sabungero ‘di nagbayad ng P300K taya, timbog

Kinilala ni Parañaque City Police Station, Chief PCol. Nicolas Pinon ang suspek na si alyas “Rommie”, isang freelance agent, residente ng Barangay Moonwalk, Parañaque City na nahaharap sa reklamong estafa o Article 315 ng Revised Penal Code. 
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 42-anyos na sabungero ang dinakip matapos hindi makapagbayad ng P300,000.00 sa natalong taya sa isang sabungan sa Parañaque City noong Linggo, Hulyo 19. 

Kinilala ni Parañaque City Police Station, Chief PCol. Nicolas Pinon ang suspek na si alyas “Rommie”, isang freelance agent, residente ng Barangay Moonwalk, Parañaque City na nahaharap sa reklamong estafa o Article 315 ng Revised Penal Code. 

Dakong alas-9:30 ng gabi ng Hulyo 19, 2026, nang ipaaresto ng management ng cockpit arena na matatagpuan sa Quirino Ave., Brgy.Tambo, ang suspek na nagtangkang takasan ang kanyang pagkakautang.

Sa imbestigasyon, ang suspek ay regular na kustomer kaya pinayagan siya ng teller na tumaya ng tumaya kahit hindi pa nababayaran. 

Nang matalo na ang mga taya na umabot sa nasabing halaga, nakita ng teller na papaalis na ang suspek kaya hinarang ito upang singilin, subalit sinagot siya na wala siyang pambayad.

Humingi ng police assistance ang management sa Parañaque CPS para sa reklamong estafa.

Show comments