^

Metro

Navy personnel hinataw sa ulo ng Chinese Coast Guard

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Navy personnel hinataw sa ulo ng Chinese Coast Guard
A Philippine Navy personnel suffered serious head injury after China Coast Guard personnel aggressively struck him with wooden baton in Ayungin Shoal, West Philippine Sea on July 20, 2026.
Armed Forces of the Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Isang tauhan ng ­Phili­ppine Navy ang na­sugatan matapos hampasin ng baton sa ulo ng isang miyembro ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea (WPS), nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, Chief ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines (AFP-PAO), naganap ang insidente bandang alas-9 ng umaga nang lapitan ng rigid hull inflatable boat (RHIB) ng China Coast Guard na may walong sakay mula sa vessel CCGV 21560 ang BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal.

Pinalibutan umano ng mga Chinese personnel ang BRP Sierra Madre habang kumukuha ng larawan at video, dahilan upang sumakay sa dalawang rubber boats ng AFP ang mga sundalo upang itaboy ang mga tauhan ng CCGV. Ang BRP Sierra Madre ang nagsisilbing kanlungan ng mga sundalong nagbabantay sa soberenya ng bansa sa WPS.

Gayunman, naging marahas ang mga tauhan ng CCGV at hinampas ng kahoy na baton ang isang Navy personnel na nagtamo ng sugat. Na­pinsala rin ang rubber boat ng AFP na ginagamit sa pagpapatrulya. Agad namang nilapatan ng lunas ang sugatang sundalo. Kinondena ni Trinidad ang insidente. 

Nanawagan ang AFP at Department of National Defense sa People’s Libe­ration Army, China Coast Guard, at maritime militia na itigil ang ilegal, agresibo, at mapanlinlang na aksiyon sa WPS at igalang ang 2016 Arbitral Award na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng internasyonal na batas.

NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with