Hustisya sa app driver tiniyak ng QCLGU
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon City government na agarang mapapagkalooban ng hustisya ang karumaldumal na pagpaslang sa isang app driver matapos saksakin at pagnakawan ng kanyang pasahero.
Ayon sa QCLGU, mahigpit na tinututukan ang imbestigasyon sa kasong ito at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya para matiyak na mapapanagot ang nasa likod ng pagpaslang kay Fabio Norberte Jr ng QC.
Una nang umalalay ang QC LGU sa burial services ng biktima at pagkakalooban ng medical assistance ang naiwang anak at magulang.
Una nang nanawagan sa publiko ang pamunuan ng QC Police District na agad tumawag sa hotline 171 at hotline 122 ng QC LGU para sa mabilis na responde sa anumang emergency.
- Latest
























