^

Metro

Lady passenger nahulog, nabangga ng truck

Mer Layson, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lady passenger nahulog, nabangga ng truck
Ayon sa Manila Police District (MPD), naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw. Agad isinugod sa ospital ang biktimang kinilalang alyas “Ana” para sa gamutan.
STAR/ File

Tinadyakan palabas ng jeep

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang babaeng pasahero matapos umanong itulak at tadyakan palabas ng jeep bago mabangga at pumailalim sa isang trailer truck sa Osmeña Highway, Maynila kama­kalawa.

Ayon sa Manila Police District (MPD), naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw. Agad isinugod sa ospital ang biktimang kinilalang alyas “Ana” para sa gamutan.

Batay sa CCTV ng Barangay 739, Zone 80, makikitang nahulog ang biktima sa harapan ng jeep nang itulak at tadyakan ng asawa ng driver na katabi niya sa loob ng sasakyan.

Sakto namang dumating ang trak at natumbok ito at pumailalim. Hindi man siya nasawi, nagtamo naman siya ng malubhang pinsala at nangangaila­ngan ng operasyon.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na umano ang biktima at ang kasama niyang lalaki matapos magtinda sa Padre Faura Avenue. Sinabi naman ng barangay na nagkaroon ng komosyon matapos pagsuspetsahan ng asawa ng driver na tatakas sa pamasahe ang magkaibigan.

Itinanggi naman ng driver ng jeep at kanyang asawa ang alegasyon at iginiit na sila umano ang hinarang at ginulo ng ilang bystander. Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng driver ng trailer truck.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with