^

Metro

P41 milyong mga ilegal na droga isiniksik sa parcel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P41 milyong mga ilegal na droga isiniksik sa parcel
Kasama si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno sa personal na nag-inspeksyon sa mga shipments na nadiskubreng naglalaman ang 39 parcels ng shabu, marijuana o kush, at ecstasy, na nakadeklarang pagkain, mga bag, jewelry, children’s book, laruan, at Christmas decorations.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa P41-milyon ang kabuuang halaga ng iba’t ibang ilegal na droga na isiniksik sa food items at iba pang padala parcels ang nasamsam ng mga awtoridad sa Central Mail Exchange Center, sa Pasay City, nitong Biyernes, Hulyo 17.

Kasama si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno sa personal na nag-inspeksyon sa mga shipments na nadiskubreng naglalaman ang 39 parcels ng shabu, marijuana o kush, at ecstasy, na nakadeklarang pagkain, mga bag, jewelry, children’s book, laruan, at Christmas decorations.

Nagmula ang parcel sa India, Canada, Estados Unidos, Germany, Spain, United Kingdom, at the Netherlands.

Ayon kay Nepomuceno, mukhang fictitious o peke ang mga nakalistang mga pangalan ng consignees, na aalamin nila upang matunton ang responsible sa tangkang pagpupuslit ng mga kontrabando.

Nakikipag-ugnayan na din ang BOC sa mga bansang pinagmulan ng mga kontrabando upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga sangkot sa pagpapadala ng mga iligal na droga.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with