^

PM Sports

Bossing sososyo sa liderato vs Hotshots

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bossing sososyo sa liderato vs Hotshots
Papasanin ni import Kentrell Barkley sa kanyang mga balikat ang Blackwater sa pagsagupa sa Magnolia.

MANILA, Philippines — Sasalo sa liderato ng Group B ang Blackwater sa krusyal nitong sagupaan kontra sa Magnolia sa pagpapatuloy ng PBA Season 50 Governors’ Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sasakay ang Bossing (1-0) sa higanteng momentum ng panalo nila kontra sa top contender na Rain or Shine upang makapagbuhol ng back-to-back wins kontra sa Hotshots (0-1) sa main game ng double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Bubuksan naman ng Converge (2-0) at guest team na Macau (0-2) ang twin bill sa alas-5:15 ng hapon para sa bakbakan sa Group A.

Subalit ang atensyon ay nasa mga bataan ni coach Pat Aquino na ginulat ang PBA matapos ang pambihirang 131-106 silat na tagumpay kontra sa Elasto Painters.

Ayon kay Aquino ay bunga ito ng kanilang mahabang preparasyon at gigil na makabawi mula sa Commissioner’s Cup kung saan sa huling bahagi na naging gabay ng koponan si Aquino kapalit ni dating head coach Jeff Cariaso.

“It’s a good start and that’s what we want, ha­ving to win the first game. We’ll just follow up in the next games to be better,” pangako ni Aquino.

Tatrangko sa Bossing ang pambatong import na si Kentrell Barkley na nagpakitang-gilas agad sa kanyang PBA debut matapos ang 29 puntos, 15 rebounds at 10 assists na triple-double kontra sa Elasto Painters.

Samantala, ibinigay ng Rain or Shine si Gian Mamuyac at kanilang se­cond round pick sa PBA Season 53 sa Phoenix kapalit ng isang first-round draft pick sa parehong season.

Sinabi ng Titan Ma­nagement Group, humahawak kay Mamuyac, na hihiling sila sa Fuel Masters ng isang three-year contract.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with