Spurs papalag sa knicks sa Game 5

SAN ANTONIO -- Hindi nag-ensayo ang Spurs kahapon at sa halip ay nagsama-sama sila para sa isang film session bago labanan ang New York Knicks sa Game 5 ng NBA Finals ngayon.
“Just not executing is what we saw on the film,” sabi ni San Antonio forward Devin Vassell. “There were a lot of defensive mistakes that we made, just not communicating. Then, offensively, just staying in our game plan and not steering away from it.”
Tatangkain nilang pigilan ang New York sa pagkopo sa korona mula sa 1-3 pagkakalubog sa best-of-seven series.
Naniniwala si Spurs superstar center Victor Wembanyama na puwede silang maging ikalawang koponan sa NBA history na nakabangon mula sa isang 1-3 deficit sa NBA Finals para agawin ang titulo.
Nagawa ito ng Cleveland Cavaliers ni LeBron James noong 2016.
“Yeah, absolutely,” sabi ng 7-foot-4 na si Wembanyama. “Everybody thinks, everybody knows, we’re going to do it. We need to isolate that one game and take it one game at a time. It would be a mistake to waste our energy on multiple games. It’s one game at a time.”
Ang game-winning tip-in ni OG Anunoby ang nagtakas sa 107-106 panalo ng Knicks sa Game 4 para lumapit sa NBA crown.
Hindi naman magpapapigil ang New York sa pagsungkit sa inaasam nilang kampeonato simula nang maghari noong 1973.
Sakaling makahirit ang Spurs ay ibabalik ang Game 6 sa New York sa Miyerkules.
- Latest





















