MSG maghihigpit ng seguridad
NEW YORK — Maghihigpit ng seguridad ang Madison Square Garden dahil sa panonood ni US President Donald Trump sa upakan ng Knicks at San Antonio Spurs sa Game 3 ng NBA Finals bukas.
Si Trump ay isang longtime Knicks fan na nagkumpirma noong Biyernes na manonood siya sa Game 3 ng best-of-seven championship series.
Inaasahang magkakaroon ng pagsasara ng ilang kalsada patungo sa MSG bukod sa ipatutupad na mahigpit na seguridad para sa kaligtasan ni Trump.
Magkakaroon din ng istriktong ‘no-bag policy’ sa venue at isang “TSA-style screening procedures” para sa mga fans.
Ito ang unang NBA Finals game sa New York sapul noong 1999.
Ilang beses nang nanood si Trump ng mga major sporting events sa kanyang ikalawang termino, kabilang ang 2025 Super Bowl, Daytona 500 at Ryder Cup.
Puntirya ng Knicks na maitayo ang malaking 3-0 lead laban sa Spurs na kanilang dalawang beses pinahiya sa San Antonio.
- Latest


















