Cayetano, Padilla, Aplasca kinasuhan ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ng grupong Tindig Pilipinas sina Senate President Alan Cayetano at Senator Robinhood Padilla at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Ayon kay Tindig Pilipinas convenor Francis Joseph Aquino Dee, ang pagsasampa ng kaso ay bunsod na may mga opisyal ng pamahalaan na maaring tumulong o nagbigay daan para makatakas si Senador Ronald dela Rosa sa pag- aresto sa kabila ng umiiral na warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) .
Aniya, layunin ng reklamo na igiit ang isang pangunahing prinsipyo ng demokrasya na walang sinuman ang nakahihigit sa batas.
Ang usapin aniya ay hindi lamang tungkol sa isang tao kundi tungkol sa pagtatanggol sa integridad ng mga pampublikong institusyon at sa pagtiyak na ang mga mekanismo ng pananagutan ay gumagana nang walang panghihimasok sa politika.
Dagdag pa ni Dee na bahagi ng reklamong ito nang mas malawak na pagsisikap na labanan ang kutura ng impunity o kawalan ng pananagutan at makiisa sa mga biktima ng drug war at kanilang mga pamilya.
Nanawagan naman ang mga naghain ng reklamo sa Ombudsman na magsagawa ng patas at walang kinikilingang imbestigasyon at tiyaking mapanagot sa ilalim ng batas ang mga opisyal na mapatutunayang humarang sa proseso ng hustisya.
- Latest















