^

Metro

2.3 toneladang ‘hot meat’ nasamsam sa Malabon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit sa dalawang tonelada ng ‘hot meat’ ang nasabat ng National Meat Inspection Service (NMIS), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Nationl Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), sa isinagawang operasyon sa isang pampublikong pamilihan sa Malabon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay  Dr. Fernando Lontoc, Officer-In-Charge Executive Director ng NMIS hindi dumaan sa inspeksiyon ang mga manok gayundin ang ­ilang batch ng mishandled meat na nakatiwang­wang na dapat umano ay nakalagay sa mga freezer na may negative 18 degrees centigrade.

Pinayuhan ng NMIS ang mga mamimili na suriin kung ang mga nagtitinda ng karne ay may Certificate of Meat Inspection (COMI) upang matiyak na ang karneng ibinebenta ay ligtas para sa pagkonsumo.

Ang mga lalabag sa Meat Inspection Code of the Philippines ay maaaring maharap sa mga parusa mula anim hanggang labindalawang taong pagkakakulong.

Maaari rin silang pagmultahin sa pagitan ng P100,000 at P1 milyon, bukod pa sa pagkumpiska ng kanilang mga produkto.

MEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with