^

Metro

Jinggoy, Bong ‘together again’ sa kulungan

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy, Bong ‘together again’ sa kulungan
Sinamahan ni Senate President Alan Peter Cayetano at Interior and ­Local Government Secretary Jonvic Remulla si Senador Jinggoy Estrada na sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame kung saan sumailalim sa booking procedures kaugnay ng kasong plunder.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Magkakasama muli sa kulungan ang matalik na magkaibigan na sina Senador Jinggoy Estrada at dating Bong Revilla bunsod ng kasong plunder na kanilang kinakaharap kaugnay ng flood control mess.

Nabatid na inutos ng Sandiganbayan 5th Division na sa Quezon City Jail sa Payatas i-commit si Estrada matapos na sumuko kahapon sa Criminal Investigation ang Detection Unit (CIDG).

Ang arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan ay may kaugnayan sa P573 milyong flood control scandal na isinampa ng Office of the Ombudsman. Ito ay non bailable offense. Pinayagang makapagpiyansa ng Sandiganbayan ng P90,000 si Estrada sa  kasong graft may kinalaman din sa ghost flood control projects.

Si Revilla ay nauna nang ikinulong sa QC Jail sa Payatas dahil din sa kasong may kinalaman sa kickback sa flood control projects noong ito ay senador pa. Si Estrada at Revilla ay dati nang magkasama sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame dahil naman sa pork barrel scam.

Bago ito, sumailalim sa booking at medical procedure ang senador na isinagawa sa CIDG. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nilinaw ni Interior and Local Go­vernment Secretary Jonvic Remulla na ­hindi inaresto ang senador kundi boluntar­yong sumuko.

Dinala naman si Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa PNP General Hospital matapos na umakyat sa 192/100 ang blood pressure nito.

Sinabi ni Remulla na mananatili muna sa PNP General Hospital ang dating kalihim hanggang sa bumuti ang lagay nito bago dalhin sa Sandiganbayan.

Dagdag pa ni ­Remulla naka-full security si ­Bonoan at limitado lang ang access ng mga puwedeng makalapit sa kaniya.

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with