^

PSN Palaro

NBA Finals logos ibabalik

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK — Ibabalik ng NBA ang NBA Finals logos sa championship series sa pagitan ng San Antonio Spurs at New York Knicks.

Ito ang inihayag kahapon ng NBA kung saan ang imahe ng Larry O’Brien Trophy — ibinibigay sa magkakampeon — ay ipipinta sa midcourt para sa mga laro sa Frost Bank Center sa San Antonio at sa Madison Square Garden sa New York para sa title series.

Ibabalik din ang script logo para sa “The Finals” na ilalagay sa magkabilang gilid ng court.

Magsisimula ang best-of-seven championship series ng Spurs at Knicks sa Game One sa Huwe­bes dito.

Ito ang unang pagkakataon simula noong 2009 Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Orlando Magic na itatampok sa title series ang trophy logo sa midcourt.

Huling inilagay ang finals wordmark at logo sa court noong 2014 finals sa duwelo ng Spurs at Miami Heat.

Sinimulan ng NBA ang paglalagay ng finals wordmark sa court para sa title round noong 1989 bago nagkaroon ng combined wordmark at trophy noong 2004 at ang prominent trophy logo sa midcourt noong 2005 hanggang 2009.

Ilalagay din sa center court trophy logo ang team branding ng Spurs at Knicks.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with