^

PSN Palaro

Alas Women silat sa Australia

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Alas Women silat sa Australia
Umiskor si Alyssa Solomon ng Alas Pilipinas Women laban sa Australia sa 2026 AVC Women’s Volleyball Cup sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Kuha ni Russell Palma

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Nagdurugo ang puso ng mga Pinoy fans na nanood ng live sa Candon Arena kahapon, ito’y dahil nasilat ang Alas Pilipinas sa Australia, 22-25, 25-23, 25-18, 15-25, 11-15 sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup.

Maganda ang ipinakitang laro ng 24 anyos na si Alyssa Solomon matapos nitong irehistro ang 23 points mula sa 22 attacks at isang block pero hindi sapat para itaguyod sa panalo ang Alas Pilipinas na nalasap ang unang talo sa Pool A.

“Proud pa rin ako sa team, ginagawa ko lang yung best ko kada game at makatulong sa team,” ani Solomon.

Natisod sa unang set ang Alas Pilipinas pero bumangon agad sila upang itarak ang panalo sa sets 2 at 3 para mamuro sa pagsilo ng 2-0 card, pero hindi basta bumigay ang mga Aussie Spikers.

Humirit ng deciding fifth set ang Australia nang dominahin nila ang fourth frame matapos hawakan ang 13 point lead, 24-11 sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC), FIVB, AVC, Volleyball World at Candon City na pinamumunuan ni Mayor Eric Singson.

Nakatuwang ni Solomon sa opensa sina Nina Ytang na may 13 puntos kasama ang siyam na kills, tatlong services aces at isang block at Alyssa Valdez na kumana ng 11 markers.

Pasimuno ang opposite hitter na si Solomon sa pun­tusan sa second set kung saan ay sumabay din si Valdez para makuha ang panalo.

Pero matapos ang third frame ay hindi na nila masabayan ang tikas ng Australia.

Dahil sa talo sa Australia, kailangan ng host team ng straight sets na panalo sa susunod nilang mga laro para manatili ang tsansa nilang makapasok sa susunod na phase.

Makakalaban ng Alas Pilipinas ang winless na Kyrgyzstan (0-2) ngayong araw sa parehong venue.

AVC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with