Pride Night 2026 sa Makati binulabog ng umusok na generator
MANILA, Philippines — Maagang winakasan ang selebrasyon ng Pride Night 2026 na inorganisa ng LoveYourself Inc. ng umusok ang gamit na generator set na nagdulot ng tensyon sa mga nagtitipong LGBTQIA+, sa Makati City, madaling araw ng Linggo.
Nabatid na nagsimula ang selebrasyon ng libong LGBTQIA+ alas-2:00 ng hapon ng sabado, Mayo 30, sa Circuit Makati Open Parking.
Maraming post sa social media ay naglalarawan na alas-12:35 ng madaling araw ng Mayo 31, ay nagkakagulo at nagsisilikas ang mga dumalo dahil sa usok na bumabalot sa backstage at concert area.
“The safety of everyone in attendance has always been, and will always remain, our highest priority. Ending the program was a necessary precaution to ensure that all guests could leave the venue safely,”ayon sa LoveYourself Inc.
Wala namang naiulat na nasaktan at hindi na iniulat pang insidente sa Barangay Carmona na nakakasakop sa lugar at sa Bureau of Fire Protection (BFP).
- Latest

















