^

Metro

P1 bilyong ‘aregluhan’ sa missing sabungeros, ibinunyag

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong ‘aregluhan’ sa missing sabungeros, ibinunyag
Families of the missing cockfight players or "sabungeros" attend a mass for their loved ones at the Commission on Human Rights in September 2022.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng isang grupo ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero ang umano’y tangkang “areglo” na nagkakahalaga ng P1 bilyon kapalit ng pagbabasura sa kaso kaugnay ng misteryosong pagkawala ng ilang sabungero sa bansa.

Sa isinagawang press conference, mariing itinanggi ng grupo na sangkot sila sa anumang negosasyon o pagtanggap ng pera mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang. Sa halip, itinuro nila ang ilang personalidad kabilang sina ­Dianne Loyola, Cha Lasco, at Jaja Peralta na umano’y nasa likod ng sinasabing pakikipag-usap para sa areglo. Ayon sa grupo, malapit umano ang mga ito kay Julie “Dondon” Patidongan.

Ayon kay Ryan Bautista, isa sa mga kaanak ng missing sabungeros, hindi na umano sila isinama sa mga pagpupulong at usapan kaugnay ng kaso, ngunit sila pa umano ngayon ang pinagbibintangang tumanggap ng malaking halaga ng pera. “Tinanggal kami sa group chat tapos kami pa ang pinalalabas na nagbayad o nabayaran na,” ani Bautista.

Nauna nang humarap sina Loyola at Cha Lasco sa National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng umano’y alok na pera mula kay Atty. Caroline Cruz, isa sa mga abogado ni Ang.

Sa mga naunang pahayag, inamin ni Cruz na nakipagkita siya sa grupo nina Loyola at nagbigay ng tig-P20,000 bilang personal na tulong, ngunit itinanggi niyang P40,000 bawat isa ang ibinigay gaya ng alegasyon.

Samantala, mariing pinabulaanan ni Eloisa Bohol ang alegasyong tumatanggap umano sila ng buwanang P40,000 mula sa kampo ni Ang upang umatras sa kaso.

Nanawagan naman si Aurelio Panaligan sa Department of Justice (DOJ) na muling paigtingin ang imbestigasyon at isama sa kaso sina Julie “Dondon” Patidongan at mga kapatid nitong sina Elakim at Jose Patidongan.

MISSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with