^

Metro

Nursing student kulong sa sextortion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nursing student kulong sa sextortion
Sa kabila ng mahigit dalawang buwan ay umabot na rin sa P600,000.00 ang mga nahingi nito sa kanya hanggang sa muli itong nangungulit at nanghihingi ng P6,000.00 para ipambayad ngayong enrollment.
File

Nangikil ng P600K ‘enrollment fee’

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng nursing student sa entrapment operation ng Pasig City Police matapos ireklamo ng isang empleyado ng bangko sa Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police Station dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Sabado Mayo 23, 2026 nang madakip ang suspek sa isang coffee shop sa nabanggit na lungsod.

Batay sa reklamo ng biktima, mula pa noong Marso ng taong kasalukuyang ay hindi siya tinatantanan ng suspek ng pananakot na ibubulgar ang kanilang mga pagtatalik kung hindi siya magbibigay ng pera.

Sa kabila ng mahigit dalawang buwan ay umabot na rin sa P600,000.00 ang mga nahingi nito sa kanya hanggang sa muli itong nangungulit at nanghihingi ng P6,000.00 para ipambayad ngayong enrollment.

Kaya nagpasya na ang biktima na humingi ng tulong sa pulisya.

Agad namang ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakapiit na ang suspek na sinampahan ng reklamong Robbery (Extortion).

SEXTORTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with