^

Metro

Obispo: Santacruzan ‘wag gawing ‘pageantry’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng isang obispo ang mga Pinoy na huwag gawing ‘pageantry’ ang Santacruzan.

Ang paalala ay ginawa ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod nang pagdaraos ng mga Santacruzan sa huling linggo ng buwan bilang bahagi ng Flores De Mayo.

Ayon kay Florencio, dapat na panatilihin ang kasagraduhan ng Santacruzan at huwag itong ikonekta sa mga makamundong bagay. Paliwanag niya, bagamat tunay na magaganda at guwapo ang mga nagiging kaisa sa tradisyon ay hindi ito dapat na mahaluan ng ‘pageantry.’ Giit pa niya, dapat na isentro ang mga pagdaraos nito sa respeto, kabanalan at pananampalataya.

“Dahil minsan mayroong mga pageantry na nangyayari. At minsan ito po ay kung anu-ano nangyayari doon, kalaswaan at saka sana po ito po ay magkaroon ng respect dahil hindi naman po ito sang-ayon sa ating right reason at sa ating mga gawain, Kung mayroon na tayong disrespect, lalung-lalo na doon sa pageantry,” paliwanag pa ni Florencio.

Umaasa naman ang obispo na ipagpaliban muna ang mga kasabay na gawain sa mga pagdaraos ng Santacruzan at ilipat ito sa ibang panahon upang mapanatili ang kasagraduhan ng aktibidad at maalaala na ang diwa ng pagdaraos ng Santacruzan ay ang paghahanap at pagtatagumpay ng krus ni Hesukristo. Ginugunita ang Santacruzan sa paghahanap ni Reyna Helena sa Banal na Krus na pinagpakuan kay Hesukristo, dahil bahagi ng kulturang pananam­palataya sa Pilipinas ang dalawang tradisyon na ipinapakita ang matibay na debosyon ng mga mananampalataya kay Maria, pagpapahalaga sa Krus ni Kristo, at pagpapanatili ng mga kaugaliang Kristiyano na nagbubuklod sa mga pamayanan tuwing buwan ng Mayo.

FLORES DE MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with