Malabon LGU nagbigay pag-asa sa 58 PDL
MANILA, Philippines — Nasa 58 persons deprived of liberty (PDLs) ang nabigyan ng panibagong pag-asa at oportunidad sa kabuhayan sa ilalim ng programa “Ugnayang Laya” sa Lungsod ng Malabon.
Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa ilalim ng programang “Ugnayang Laya” ang 58 PDLs na ngayon ay Persons Restored of Liberty ay matutulungang makabalik at makapagsimula sa kanilang komunidad.
Bilang bahagi ng programa, sumailalim ang mga benepisyaryo sa financial literacy seminar at tumanggap ng tig-P5,000 livelihood assistance, kasama ang family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development.
Pinangunahan ang aktibidad ng City Social Welfare and Development Department katuwang ang World Vision, HLAF, at Bureau of Jail Management and Penology bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Second Chance Program sa Malabon.
- Latest

















